KYIV, Ukraine – Sinabi ng Ukraine noong Biyernes na pinatamaan nila ang oil refinery at seaport infrastructure sa Russian Black Sea port ng Tuapse, isang lugar na ilang ulit nang inaatake sa mga nakalipas na linggo.
Ayon sa Ukrainian security service SBU, nagdulot ng sunog sa mga storage tanks ang naturang pag-atake.
“The marine oil terminal and the Tuapse refinery constitute a major industrial complex and logistics hub that links the production, refining, and export of Russian oil,” ayon sa SBU.
Ang Tuapse ay isang mahalagang industrial at logistics hub para sa produksyon, pagpoproseso, at pag-export ng langis ng Russia. RNT/MND