Home ENTERTAINMENT Nick Vera Perez, emosyunal sa ina!

Nick Vera Perez, emosyunal sa ina!

134
0

Manila, Philippines – Nasa Manila ngayon ang Chicago-based OPM artist na si Nick Vera Perez for a series of concert.

Obviously, for the nth time ay laging tinataon ni sir Nick ang kanyang series of shows tuwing Mother’s Day dahil admittedly ay malapit siya sa kanyang ina, si mommy Visitacion Tan.

Sa May 10, 2026 papatak ang Mother’s Day sa Pinas.

“I am a proud mama’s boy. Super close ako sa mama ko.

“Pag sinabi ng mama ko na ‘sige na, wag na siyang intindihin,’ the more na iniintindi ko siya.

Kapag sinabi niya na ‘wag ka na magluto,’ the more na ipagluluto ko siya.

“Minsan tinanong na ng mommy ko kung hindi raw ba ako nagsasawa sa kanya. Of course not,” kuwento ni Sir Nick.

Inamin din ni Sir Nick na nagkaroon na siya ng ilang ex girlfriends pero sa ngayon, ang kanyang ina ang pangunahing dahilan kung bakit single pa rin siya until now.

“Everyday, sinasabi ng mama ko na may edad na siya at unahin ko ang sarili ko. Pero kailangan ko talaga siyang asikasuhin.

“But im not closing my doors.”

Emosyunal si sir Nick kapag napaguusapan ang kanyang ina.

“Kahit may asawa ka na, dapat close ka pa rin sa parents. Dapat ‘wag magselos ang asawa,” sabi pa niya.

Ni-launch din ni Sir Nick ang kanyang 6th album, ang Dancing in the Ocean.

Album 7 is about reminiscing and classic songs.

He is planning to do ten albums at lahat nang yun ay nakaplano na ngayon pa lang.

Sa May 16, 4PM, ay nasa Xentro Mall, Antipolo si Sir Nick, sa May 17 at 4PM ay lalagare siya sa Farmer’s Plaza sa Araneta, May 20 at 11PM sa Music Box, May 21 at 11PM sa Spectroom Bar, May 22 at 4PM sa Santa Lucia East Mall, and May 24 at 5PM sa Xentro Mall Montalban.

Special guests ni sir Nick sina Ms. Evelyn O. Francia and Ms. Hannah Shayne.

May post Mother’s Day Special din si Sir Nick sa May 17 sa Atrium. Winning mothers will get special treats.

Naging topic din sa interview kag Sir Nick ang pagpasok ng AI sa music industry and para sa kanya ay open siya sa hybrid.

Nakakatulong daw kasi ang AI sa mga artist pero hindi siya papayag na mag-proliferate ang music na 100 percent made by AI. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here