Home NATIONWIDE 6 bus operator ipinatawag ng LTFRB sa ‘di pag-aalok ng diskwento sa...

6 bus operator ipinatawag ng LTFRB sa ‘di pag-aalok ng diskwento sa pamasahe

78
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang anim na bus operator sa bigong pagbibigay ng diskwento sa pamasahe sa mga pasahero sa ilalim ng service contracting program rules.

Sa pahayag nitong Lunes, Mayo 4, sinabi ni LTFRB chair Vigor Mendoza II na ang pag-iisyu ng show cause order ay batay sa mga report na paulit-ulit na hindi nagbibigay ng diskwento sa mga pasahero ang mga konduktor ng bus.

Sa ilalim ng service contracting program rules, lahat ng pasahero ay may 20% diskwento habang ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at estudyante ay may 40% discount.

Hindi umano sumunod sa fare discount system ang mga konduktor ng anim na bus operator na ito.

“This would be an opportunity for them to explain and on the part of the LTFRB, this would be an opportunity to send a strong message on accountability for not following the fare discount rules under the service contracting program,” ani Mendoza.

Nagbigay ng mandato ang SCO sa mga bus operator na dalhin ang mga drayber at konduktor na sangkot at magpasa ng written explanation kung bakit hindi dapat masuspinde o makansela ang kanilang paglahok sa programa.

Binigyan ng kopya ang mga ipinatawag na operator at patunay ng bigong pagbibigay ng fare discount.

Nagbabala si Mendoza ng kaparusahan sa mga bus operator kung hindi dadalo ang mga ito sa itinakdang hearing sa Mayo 18.

“This should serve as a warning to those enrolled in this program that we are monitoring the implementation of the program and any attempt to ignore the agreement will be dealt with accordingly,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here