Home NATIONWIDE Nagpapakalat ng fake news, pananagutin – Malakanyang

Nagpapakalat ng fake news, pananagutin – Malakanyang

62
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Malakanyang sa mga gumagawa ng krimen partikular na ang mga fake news peddlers na hindi sila sasantuhin ng batas.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Office Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na pananagutin ng gobyerno ang mga indibiduwal na nagpapakalat ng fake news na nasasangkot sa mga kaugnay na kasalanan.

“Sa mga gumagawa ng krimen, hindi kayo sasantuhin ng batas. Huhusgahan kayo ng katotohanan. Huwag pagkakitaan ang fake news—katotohanan lang ang inyong ibigay at hindi kayo nakakatulong sa ekonomiya,” ayon kay Castro.

Hiningan kasi ng mensahe si Castro kaugnay sa patuloy na paglaganap ng fake news.

“Kapagka nakita na kung ano man ang kinakalat na fake news, ang NBI ay may mandato na ito ay imbestigahan,” ani Castro.

Matatandaang, lumagda kamakailan ang PCO ng kasunduan kasama ang Department of Justice (DOJ) at Department of Information and Communications Technology (DICT) upang palakasin ang kampanya laban sa fake news at tiyakin ang pananagutan ng mga lumalabag. Ilang kaso na rin ang naipasa sa DOJ para sa imbestigasyon ng NBI at posibleng pagsasampa sa korte.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng babala ng Malacañang na ang maling impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo ay may layuning pabagsakin ang gobyerno.

Noong Abril 9, iniulat ng PCO Anti-Fake News Desk ang biglang pagdami ng mga mapanlinlang na post sa social media na tumutukoy sa kondisyon ni Pangulong Marcos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here