Home METRO 1 sa 2 suspek sa QC ambush, kinilala na ng pulisya

1 sa 2 suspek sa QC ambush, kinilala na ng pulisya

73
0

MANILA, Philippines —Kinumpirma ng pulisya na natukoy na ang isa sa dalawang suspek sa pamamaril sa kanto ng Timog Avenue at EDSA sa Quezon City na ikinasawi ng dalawang katao, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), tumugma ang apat na latent fingerprints na nakuha mula sa motorsiklong ginamit sa krimen sa isa sa mga suspek. Natagpuan ang naturang motorsiklo na iniwan ilang oras matapos ang pananambang noong Abril 28.

“Puwede lang namin i-share sa inyo, identified na po ’yung isa doon sa dalawa,” ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye dahil sa nagpapatuloy na manhunt operation.

Kinilala ang mga biktima na sina sports patron at negosyanteng si Perry Mariano, 75, at ang kanyang driver na si Norberto Orimaco, 51. Sila ay inatake ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at kalaunan ay binawian ng buhay sa ospital.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., tinitingnan ng mga imbestigador ang posibleng motibong kaugnay ng business rivalry.

“Hopefully we can go to the bottom of this incident, unmasking the mastermind and getting to know [the] motive,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here