Home NATIONWIDE 2 magkapatid na babae, nasawi sa sunog sa Rizal

2 magkapatid na babae, nasawi sa sunog sa Rizal

85
0

MANILA, Philippines – Dalawang magkapatid na babae na may edad pitong at 19 anyos ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa sunog na tumupok sa anim na kabahayan sa San Mateo, Rizal noong Lunes, Mayo 4.

Natagpuan ang kanilang mga labi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Daang Tubo, Barangay Malanday.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang tanghali at umabot sa unang alarma bago tuluyang naapula bandang 12:31 p.m.

Sinabi ng San Mateo, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na anim na bahay ang naapektuhan ng sunog, habang tinatayang 10 pamilya ang nawalan ng tirahan at kasalukuyang nanunuluyan sa Barangay Malanday Covered Court.

Nagbigay agad ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office, kabilang ang food packs, hygiene kits, at iba pang pangangailangan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

“Nakaantabay din ang Pamahalaang Bayan, lalong higit ang mga frontliners, upang makapagpaabot ng agarang tulong at serbisyo. Maging alerto, mga kababayan,” pahayag ng munisipyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here