MANILA, Philippines – Inirekomenda ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pagsasagawa ng preliminary investigation laban sa dating House Speaker Martin Romualdez kabilang ang tatlong senador na nakinabang sa flood control scandal.
Bukod kay Romualdez, pinangalanan din ni Lacson sina former Senate President Francis Escudero, at Senador Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, at dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co at Caloocan City Rep. Mitch Cajayon Uy na dapat maharap sa preliminary investigation para sa kasong plunder at iba pang kaso.
Ayon kay Lacson sa kanyang privilege speech, bukod sa kasong plunder kabilang ang kasong isasailalim sa preliminary investigation ang direct bribery, malversation, ilang paglabag sa anti graft and corrupt practices at code of conduct and ethical standards for public officials and employees.
Parehong rekomendasyon din ang kanyang inirekomenda laban sa ilang intermediaries kabilang ang dating public works officials na sina former Secretary Manuel Bonoan, at contractors.
HIwalay na rekomendasyon naman laban kay Romualdez sa kasong money laundering at forfeiture, kabilang ang ilang Department of Public Works and Highways officials.
Pinakakasuhan din ng falsification of documents and identities, perjury at bid rigging para sa ilang public works officials.
Kinilala naman ni Lacson na nalampasan ng ilang pangyayari ang rekomendasyon dahihl nakapaghain ng kaso ang Office of the Ombudsman saka nilinaw na wala itong idinidikdik na sinuman.
“Our recommendations are, by design, recommendatory and conditioned on independent investigation. Kung mali ang alegasyon, the process clears them. Kung totoo, the process convicts — with due process and accountability – makukulong ang dapat makulong,” aniya sa kanyang privilege speech at the Senate on Tuesday.
Nilinaw naman ni Lacson na hindi nito itinatago si Romualdez sa imbestigasyon ng Senado dahil hindi maaaring pilitin ang sinumang mambabatas na humarap sa Senado dulot ng interparliamentary courtesy.
Pinabulaanan din niya na hawak nito ang listahan ng mga kongrsistang nagsilbing kontraktor ng DPWH: “Liwanagin ko lang po muli. Hindi ko kailanman sinabing hawak ko ang listahan ng mga cong-tractor na ito. To set the record straight, ang makailang ulit ko nang nabanggit ay ang impormasyong ibinahagi lamang ng isang congressman — walang detalye kung sino-sino.”
Inilatag ni Lacson ang rekomendasyon sa pamamagitan ng isang privilege speech, dahil kapos sa kinakailangang lagda ang partial committee report tatlong buwan matapos itong gawin bago isalang sa plenaryo.
PInakahuling lumagda si Senador Raffy Tulfo pagkatapos lumagda sina Senador Erwin Tulfo, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Senate President Vicente Sotto III at Lacson.
Pagkatapos ng privilege speech, hindi tumnnggap si Lacson sa interpelasyon.
“I reserve my right to address any and all interpellations after my sponsorship of the still pending Partial Committee Report,” aniya.
“Dalawa na lang po, two or three more at pwede nang i-file sa Bills and Index Division ng Senado ang partial committee report. Until then, I am not yet yielding the floor.” Ernie Reyes