Home METRO 57-anyos hinabol, tumalon sa ilog, nalunod-patay

57-anyos hinabol, tumalon sa ilog, nalunod-patay

97
0

MANILA, Philippines – Nalunod matapos mag-dive sa ilog ang isang 57-anyos na matandang binata habang tinatakasan umano ang mga humahabol sa kanya sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima sa alyas na Louiesito, nakatira sa Brgy. 142 Balot, Tondo, ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon, dalawang lalaki umano ang humahabol sa biktima ganap na alas-6 ng umaga nang bigla itong tumalon sa tulay patungo sa ilog.

Sinagip naman ng mga barangay tanod sa lugar ang biktima at dinala sa Tondo Medical Center para sa agarang atensyong medikal ngunit idineklarang dead on arrival.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here