Home NATIONWIDE Tangkang pagsuhol sa mga Recto, pinabulaanan ni Leviste

Tangkang pagsuhol sa mga Recto, pinabulaanan ni Leviste

96
0

Manila, Philippines – Tahasang pinabulaanan ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang resbak ni Executive Secretary Ralph Recto na ang batang mambabatas ang una umanong nag-alok ng P400 milyon upang impluwensyahan ang resulta ng eleksyon sa kanilang lalawigan.

“I vehemently deny the statements of Secretary Recto, which are baseless and provably false, and I would like to answer them point-by-point, along with the points in my speech yesterday that were not responded to, with others there to testify, and with supporting evidence presented,” giit ni Leviste.

Batay sa pahayag ni Recto, bukod sa P400 milyon ay nag-alok rin umano ang mambabatas ng halos P1 bilyon para umatras si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, na agad niya umanong tinanggihan.

Kung kaya iginiit ni Leviste, kahit sa kaniyang privilege speech kahapon, ay hinamon niya ang Kamara na imbestigahan at paharapin sa isang pagdinig si Recto.

“Hinahamon ko si Ralph Recto na humarap sa Kongreso para magkaalaman kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo. Kahit bukas, o alinman sa mga susunod na araw ng sesyon. Nagsisimula pa lang ako. Kaya ako matapang na magsalita tungkol sa mga isyung ito ay dahil walang tunay na isyu laban sa akin.”

Nais ni Leviste na muling tumayo sa plenaryo ngayong hapon upang himayin ang kaniyang mga pahayag kahapon.

“I would like to give another speech in Congress today to say more, if not for the fact I just gave one yesterday that has not yet been responded to by Secretary Recto, or at least by USec Castro, who I hope can respond to my points in her press briefing today.”

Ngunit aminado ang batang mambabatas na hindi niya rin alam kung mapagbibigyan siya sa plenaryo upang makapaglahad pa ng mga ebidensya tungkol sa kaniyang mga alegasyon.

“Nasa mga kasamahan ko kung bibigyan ako ng sapat na oras upang himayin isa-isa ang lahat ng mga punto, kasama ang ibang mga testigo at ebidensiya. Ngunit, kapag nangyari iyon, marami pang ibang pangalan at usapin ang posibleng madamay at lumabas, kaya hindi ko alam kung ano ang magiging pasya ng Kongreso tungkol dito,” ani Leviste.

Naniniwala rin ang kongresista na nasa panig niya ang taumbayan, gaya ng mga reaksyon na makikita sa kaniyang mga social media engagements.

“Tinawagan nga akong ‘kulang sa pansin,’ diba. Baka mas madismaya pa ako kung hindi nila ako papatulan. Yes. Sinabi ko nga, magpatawag sila ng pagdinig kasama ang mga Batangueño, at natutuwa ako dahil sinasabi sa Batangas na ang mga sinabi ko naman ay totoo—kahit magtanong tungkol sa STL at kaagad makikita ninyo na totoo ang sinabi ko. Marami din akong pino-post na ebidensya sa Facebook, pero hindi ito sinasagot, kaya sa tingin ko mas mahihimay ito sa isang committee hearing kasama ang mga testigo mula sa Batangas at ibang ebidensiya.” (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here