Home HOME BANNER STORY LPA magdadala ng ulan sa VisMin; tropical storm mino-monitor sa labas ng...

LPA magdadala ng ulan sa VisMin; tropical storm mino-monitor sa labas ng PAR

63
0

MANILA, Philippines – Magdadala ang Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Visayas at Mindanao, ayon sa PAGASA.

Ala-3 ng madaling araw, huling namataan ang LPA sa layong 120 kilometro timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at malabong maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Samantala, binabantayan din ang Tropical Storm Hagupit na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), nasa 2,015 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao, na may lakas ng hangin na 65 km/h at bugso na hanggang 80 km/h, at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 km/h.

Magkakaroon ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan sa Central Visayas, Eastern Visayas, Negros Island Region, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, at Zamboanga Peninsula dahil sa LPA, na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan dulot ng easterlies, na maaari ring magdulot ng pagbaha o landslide sa malalakas na thunderstorms.

Mananatiling banayad hanggang katamtaman ang lakas ng hangin at alon sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here