Home NATIONWIDE Albay naka-alerto sa posibleng lahar flow sa papalapit na bagyo

Albay naka-alerto sa posibleng lahar flow sa papalapit na bagyo

102
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na minomonitor ng Albay provincial government, sa pamamagitan ng Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO), ang paparating na bagyo na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ngayong weekend at papangalanang Caloy.

Sa panaya, sinabi ni APSEMO chief Oscar Robert Cristobal na naghahanda ang mga awtoridad sa posibleng lahar flow dahil sa volcanic deposits na dala ng mga nakaraang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa datos na ipinresenta sa miting ng Pre-Disaster Risk Assessment and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nakita na nasa 43,551 pamilya o 163,451 indibidwal mula sa 130 barangay na nakapalibot sa Mayon ang posibleng maapektuhan ng rain-induced lahar.

Ang mga lugar na tinukoy ay ang mga bayan ng Malinao, Bacacay, Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, Camalig, Guinobatan, Libon at mga lungsod ng Ligao, Legazpi at Tabaco.

Kabilang sa mga lugar na may pinakamaraming bilang ng apektadong residente ay ang Tabaco City sa 62,403 individuals, Malinao sa 33,675, Guinobatan sa 16,730 at Ligao City sa 11,866.

“All towns surrounding the volcano are being considered, especially those within the permanent danger zone, including areas affected by previous lahar flows and volcanic deposits that have accumulated since January, particularly after the May 2 pyroclastic density current incident,” ani Cristobal.

Posibleng nabarahan din ng pyroclastic density current na naitala noong Mayo 2 ang mga gully at channel sa paligid ng bulkan na posibleng maging unpredictable ang daluyan ng lahar.

“We cannot really determine which gullies and channels the lahar may pass through and which communities could be affected,” aniya.

“We continue to advise everyone to remain cautious,” dagdag pa.

Nakahanda na rin ang evacuation vehicles, equipment, at response personnel lalo na sa mga komunidad sa paligid ng paanan ng bulkan.

“All LGUs (local government units) around the volcano are preparing, while our equipment, manpower, the OCD, and all uniformed personnel are on alert in case lahar flows occur,” aniya.

Nagpasalamat naman si Albay Gov. Noel Rosal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agarang tulong sa mga magsasaka na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

“He immediately called for assistance and prioritized Albay. I’m very thankful,” sinabi ni Rosal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here