Home NATIONWIDE 1,148 SHS graduates nagkaroon ng trabaho sa Labor Day 2026 fairs

1,148 SHS graduates nagkaroon ng trabaho sa Labor Day 2026 fairs

79
0

MANILA, Philippines – Na-hire on the spot ang nasa 1,148 Senior High School (SHS) sa nationwide Labor Day Job Fairs, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Mayo 7.

Ito aniya ay nagpapakita ng employability at workforce readiness ng mga graduate sa ilalim ng K to 12 program.

Ang mga bagong natanggap sa trabaho ay mula sa 11,000 SHS graduates na lumahok sa mga job fair sa buong bansa sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DepEd, nagpapakita ito na ang K to 12 curriculum ay kayang makapagbigay sa mga graduate ng agarang employment opportunities.

Sinabi rin ni Education Secretary Sonny Angara na ang pagbibigay ng agarang oportunidad sa trabaho sa mga graduate ay kabilang sa estratehiya ng pamahalaan para labanan ang kahirapan at mapabuti ang economic mobility sa mga kabataan.

“Layunin nating mas mapalawak pa ang mga oportunidad na ito upang bawat mag-aaral na magtatapos ng Senior High School ay may sapat na kakayahan at kumpiyansa na makakuha ng disenteng trabaho.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here