Home NATIONWIDE Gov’t support sa creative industry, palalakasin ni Aquino: ‘Lilikha ng trabaho’

Gov’t support sa creative industry, palalakasin ni Aquino: ‘Lilikha ng trabaho’

68
0
Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Bam Aquino na mabigyan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan ang creative industry ng bansa dahil sa malaking potensyal nito na makalikha ng mas maraming trabaho at magpasigla ng ekonomiya.

Ayon kay Aquino, nananatiling isa sa pinakamalalaking lakas ng Pilipinas ang creative sector at nararapat lamang itong suportahan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy at sapat na pondo at pangmatagalang plano mula sa gobyerno.

“Iyong ating creative industry, isa ‘yan sa mga strength natin na kailangan talagang bigyan ng tamang suporta, tamang pondo, at tamang plano,” ani Aquino.

“Maganda nga na gawing haligi ito ng ating ekonomiya at bigyan ng tamang suporta,” dagdag pa niya.

Ayon kay Aquino, ang pinakalakas na suporta sa mga Pilipinong creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, at designers ay hindi lamang magbubukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho, kundi magpapakita rin ng galing ng Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Si Aquino ay isang matibay na tagasuporta ng Pinoy talents. Sa kampanya noong 2022 at 2025 elections, itinampok niya ang mga lokal na artista upang ipagdiwang ang kanilang talento at kakayahan. Binigyan din niya ng puwang ang lakas ng musikang Pilipino sa People Power 40 Kick-Off Concert.

Kamakailan, inihain niya ang Senate Resolution No. 370 bilang pagkilala sa Filipino P-Pop sensation na BINI matapos itong gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino group na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio.

Tinanggap ng “Nation’s Girl Group” ang parchment copy ng Senate Resolution No. 370 ni Aquino matapos itong opisyal na pagtibayin ng Senado noong Miyerkules.

Ang BINI ay binubuo nina Maraiah Queen Arceta (Aiah), Ma. Nicolette Vergara (Colet), Mary Loi Yves Ricalde (Maloi), Gweneth Apuli (Gwen), Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja (Stacey), Mikhaela Janna Lim (Mikha), Jhoanna Christine Robles (Jhoanna), at Sheena Mae Catacutan (Sheena).

Sa kanyang resolusyon, pinuri ni Aquino ang BINI sa pagdadala ng karangalan sa bansa at sa pagpapakita ng galing at sining ng Pilipino sa pandaigdigang entablado sa kanilang mga pagtatanghal noong Abril 10 at 17, 2026 sa Coachella, na isa sa pinakaprestihiyosong music festivals sa mundo.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, isang Filipino group ang nagtanghal sa isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo. Masasabi natin na ang tagumpay na ito ay isang Salamin ng galing at talento ng Pilipino sa pandaigdigang entablado,” wika ni Aquino sa kanyang sponsorship speech.

“Ang tagumpay ng BINI ay isang panalong dapat ipagdiwang sa gitna ng mga hamon at krisis na kinahaharap ng ating bansa. Sa kanilang pagtatanghal sa Coachella, ipinamalas nila ang ating Filipino Pride sa pamamagitan ng pagsasama ng mga tradisyonal na elemento sa kanilang mga kasuotan, musika, at koreograpiya,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Aquino na ang tagumpay ng BINI sa internasyonal na entablado ay magsisilbing inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino upang abutin ang kanilang mga pangarap.

Sa isang panayam, nagpasalamat ang BINI sa pagkilala, kasabay ng pagsasabing dapat samahan ito ng mas pinalakas na suporta para sa Pinoy artists at creatives na maaaring magbigay ng karangalan sa bansa.

“I believe na dapat ma-share ito to all of the artists, hindi lang mga OPM artists kundi pati lahat ng mga creatives out there na walang means, walang outlet, walang platform for it,” wika ni BINI Maloi.

“Naniniwala po kaming lahat na malaki ang potential ng mga Pilipino artists, ang dami pang kayang ipakita, ibigay out there globally,” dagdag ni BINI Gwen.

“Now is the time na tayong mga Pinoy talents, mga Pinoy creativity, Pinoy culture ay makilala din internationally, Kasi kung kaya ng ibang lahi, kayang-kaya rin nating makipagsabayan kaya now is the time! Mag-go tayo sa global stage,” sabi ni BINI Stacey. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here