Home HOME BANNER STORY Lisensya ng rider na nanaksak ng screwdriver sa road rage sa Taguig...

Lisensya ng rider na nanaksak ng screwdriver sa road rage sa Taguig sinuspinde na

78
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng 48-anyos na lalaking rider na nanaksak ng dalawa iba pa gamit ang screw driver sa viral road rage incident sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Nag-isyu na rin ng show cause order ang LTO laban sa rider.

Inatasan ito na humarap sa Intelligence and Investigation Division sa main office sa Mayo 14 para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat panagutin sa insidente.

Sa report, ang rider at dalawa pang lalaki na sakay ng isa pang motorsiklo, ay nagpalitan ng suntok at palo gamit ang helmet bago tuluyang nanaksak ang sangkot na rider gamit ang screwdriver.

Ang preventive suspension ay tatagal ng 90 araw. Dapat isuko ang lisensya nito sa LTO habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Southern Police District na ang insidente ay naganap alas-4 ng hapon noong Huwebes, Mayo 7 sa Kalayaan Avenue corner 8th Avenue sa BGC.

Ang solo rider ay nagpakita umano ng hindi magandang aksyon laban sa dalawa iba pang rider dahilan para magkainitan ang mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here