MANILA, Philippines – Makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index ang ilang lugar sa bansa ngayong Linggo, Mayo 10 ayon sa PAGASA.
Inaasahan ang heat index na mula 42 hanggang 44 °C sa 26 na lugar sa bansa ngayong araw.
Sa Metro Manila, ang heat index ay posibleng umabot ng 42°C sa Pasay City at 41°C sa Quezon City.
Sa ilalim ng klasipikasyon ng PAGASA, ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C ay nasa ilalim ng “danger” category kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion.
Posible rin ang heat stroke sa tuloy-tuloy na exposure o mabigat na aktibidad sa tirik na araw.
Narito ang mga lugar na makararanas ng mapanganib na lebel ng heat index ngayong Linggo:
Naia, Pasay City – 42°C
Sinait, Ilocos Sur – 43°C
Laoag City, Ilocos Norte – 43°C
Dagupan City, Pangasinan – 44°C
MMSU Batac, Ilocos Norte – 42°C
Aparri, Cagayan – 44°C
Tuguegarao City, Cagayan – 43°C
ISU Echague, Isabela – 42°C
Baler, Aurora – 42°C
Casiguran, Aurora – 42°C
Iba, Zambales – 42°C
CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 43°C
Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City – 43°C
TAU Camiling, Tarlac – 43°C
Sangley Point, Cavite City – 44°C
Ambulong, Tanauan, Batangas – 42°C
Infanta, Quezon – 42°C
Mulanay, Quezon – 42°C
San Jose, Occidental Mindoro – 43°C
Puerto Princesa City, Palawan – 43°C
Cuyo, Palawan – 44°C
Roxas City, Capiz – 42°C
Iloilo City, Iloilo – 43°C
Dumangas, Iloilo – 43°C
La Granja, La Carlota, Negros Occidental – 42°C
Borongan, Eastern Samar – 43°C