Home METRO P13.3M iligal na yosi nasabat sa Lanao at Agusan; 7 suspek timbog

P13.3M iligal na yosi nasabat sa Lanao at Agusan; 7 suspek timbog

71
0

MANILA, Philippines – Pitong lalaki ang inaresto at mahigit P13.3 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra-smuggling sa Lanao del Norte at Agusan del Norte nitong nakaraang weekend, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng PNP na limang suspek ang naaresto sa isinagawang checkpoint operation noong Mayo 8 sa Barangay Samburon, Linamon, Lanao del Norte. Nakumpiska ang 289 kahon ng smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P11.56 milyon. Narekober din ng mga awtoridad ang apat na sasakyan na hinihinalang ginamit sa pagbiyahe ng kontrabando.

Noong Mayo 9, isa pang anti-smuggling operation sa Jabonga, Agusan del Norte ang nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki. Nasamsam dito ang 2,311 reams at 35 pakete ng smuggled na sigarilyo na may halagang P1.8 milyon, pati na rin ang isang sasakyan na ginamit sa iligal na transportasyon ng mga produkto.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ang mga operasyon sa tuloy-tuloy na kampanya ng ahensya laban sa iligal na kalakalan.

“Illegal smuggling operations weaken lawful commerce and fuel other criminal activities. The PNP will continue to strengthen enforcement efforts and hold accountable those involved in these unlawful schemes,” ani Nartatez.

“These accomplishments show that relentless police presence and sustained enforcement actions can significantly disrupt illicit trade networks across the country,” dagdag pa niya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here