Home METRO Buntis na guro, pinagbabaril sa Abra

Buntis na guro, pinagbabaril sa Abra

62
0

ABRA – Isang 36-anyos na pitong buwang buntis na guro ang napatay matapos pagbabarilin ng mga lalaking nakamotorsiklo sa Barangay Bumagcat, Tayum, Abra noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Maria Elaine B. Valencia, isang elementary school teacher sa Taguig City at residente ng Barangay Pawa, Lagangilang, Abra.

Batay sa paunang imbestigasyon, sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa at kasama ang pinsan nito at isa pang kasamahan sa hiwalay na motorsiklo ang biktima patungo sana sa bus terminal sa Bangued, Abra nang biglang sumulpot ang mga armadong salarin at pinaputukan siya.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek. Dinala pa sa ospital sa Bantay, Ilocos Sur si Valencia ngunit idineklara siyang dead on arrival dahil sa maraming tama ng bala.

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng kalibre .45 na baril.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga salarin. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here