Home METRO Junk shop tinupok ng apoy sa nag-overheat na electric fan

Junk shop tinupok ng apoy sa nag-overheat na electric fan

74
0

MANILA, Philippines – Ligtas na nailikas ang walong manggagawa matapos sumiklab ang sunog pasado hatinggabi ng Lunes, Mayo 11, sa isang barracks ng junk shop sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, na sinasabing dulot ng sobrang init na electric fan.

Ayon sa initial investigation ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng isang nakasaksak na electric fan ang pinagmulan ng apoy, bagaman patuloy pa itong beripikado ng mga awtoridad.

Naganap ang sunog bandang 12:12 a.m. sa Queens Street Drive sa Forest Hills Subdivision. Ilan sa mga manggagawa ang hindi na nakaligtas ng kanilang mga gamit habang mabilis na lumalabas sa nasusunog na istruktura.

Umabot sa first alarm ang sunog ng 12:13 a.m., dahilan upang agad na rumesponde ang 10 bumbero trucks at limang volunteer fire units. Idineklarang under control ang apoy ng 12:24 a.m. at tuluyang naapula ng 12:28 a.m.

Walang naiulat na sugatan o nasawi, habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang pinsala sa insidente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here