Home NATIONWIDE Mga nominado sa pagka-Associate Justice sa CTA at Sandiganbayan, inilabas ng JBC

Mga nominado sa pagka-Associate Justice sa CTA at Sandiganbayan, inilabas ng JBC

71
0

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist ng mga nominado para sa posisyon ng Associate Justice ng Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Alinsunod ito sa Article VIII, Section 9 ng Saligang Batas kung saan ang mapipiling nominee ay papalitan si Hon. Catherine T. Manahan na nagretiro noong Enero 2, 2026.

Ayon sa JBC, kabuuang 45 ang nag-apply para sa posisyon ng Associate Justice of the Court of Tax Appeals.

Pero nasa 24 nominees lamang ang napili ng JBC sa isinagawang deliberasyon ng en banc noong May 4, 2026.

Nasa 38 naman ang aplikante para sa Sandiganbayan Associate Justice.

Ang mapipili dito ay papalit naman kay Associate Justice Ma. Theresa Gomez-Estoesta na itinalagang Court Administrator ng Korte Suprema noong nakaraang taon.

Ang short list ay isinumite na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here