Home ENTERTAINMENT Andrew Muhlach, natangayan ng 2 passport sa “basag-kotse”

Andrew Muhlach, natangayan ng 2 passport sa “basag-kotse”

74
0

MANILA, Philippines — Sa kasamaang palad, naging biktima ng tinatawag na “basag-kotse gang” si Andrew Muhlach.

Si Andrew ay kapatid ni Aga Muhlach.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Andrew ang aniya’y unang beses na nangyari sa kanya ang ganitong insidente.

Naganap ang insidente sa 8th Street, New Manila, Quezon City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, dalawang passport ang tinangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ani Andrew: “First time ito nangyari sa akin. Sa nagnakaw ng bag ko, for sure, kilala n’yo ako dahil nandoon ang dalawa kong passport. May chance pa kayo na ibalik lahat ‘yan.”

May paalala rin si Andrew base sa kanyang sinapit.

“Anyway, wala na ako masabi kundi mag-ingat na lang tayo sa susunod.

“Pati na rin kayo, doble ingat lang tayo. Daming epal sa mundo,” dagdag niya.

Si Andrew ay under contract sa Viva Artists Agency.

Ilan sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang Squad Goals at Working Boys 2: Choose Your Papa.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here