Home NATIONWIDE 5 lugar sa Calabarzon tutustahin ng malaimpyernong init

5 lugar sa Calabarzon tutustahin ng malaimpyernong init

60
0

Lucena City — Inaasahang makakaranas ng “danger” level na heat index ang limang lugar sa Calabarzon sa Martes at Miyerkules, Mayo 12 at 13, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng Pagasa na inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Cavite City, Tanauan City, Alabat, at Los Baños sa Martes.

Sa Miyerkules, inaasahan ding makapagtatala ng kaparehong antas ng heat index ang Cavite City, Tanauan City, Alabat, at Infanta.

Ipinapaliwanag ng PAGASA na ang heat index na nasa 42°C hanggang 51°C ay kabilang sa “danger” category, kung saan maaaring magdulot ang matagal na pagkakalantad sa matinding init ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Ang heat index ay tumutukoy sa antas ng init na nararamdaman ng katawan batay sa pinagsamang epekto ng temperatura at halumigmig.

Nagpaalala naman ang Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling hydrated, iwasan ang matagal na pagkabilad sa direktang sikat ng araw, at mag-ingat laban sa mga sakit na may kaugnayan sa matinding init. Hinikayat din ng DOH ang agarang pagpapatingin sa doktor sa mga pinaghihinalaang kaso ng heat stroke.

Ayon sa PAGASA, posibleng magpatuloy ang mataas na heat index habang nagpapatuloy ang tagtuyot. Karaniwang nararanasan ang pinakamainit na temperatura mula tanghali hanggang hapon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here