MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi nito tinanggap ang kanyang sahod sa nakalipas na anim na buwan ng pagliban niya sa Senado.
“The past six months, hindi ko natanggap ‘yong sweldo ko. ‘Yong aking secretary, kinukuha ‘yong sweldo [ko]… Eh paano ko makuha eh wala ako dito [Senado]?,” sinabi ni Dela Rosa sa panayam habang nasa Senado.
“Kinukuha niya [secretary] pero no’ng later months na, hindi na niya kinukuha [sweldo] dahil nahiya na,” dagdag pa nito.
Ani Dela Rosa, handa niya umanong ibalik ang mga hindi nagastos na sahod at ang bahagi ng kanyang sweldo ay inilaan niya umano sa relief operations. RNT/JGC