Home NATIONWIDE P5.3M iligal na droga natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Zambales

P5.3M iligal na droga natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Zambales

1
0

ZAMBALES – Natagpuang palutang-lutang ang isang nakabalot sa plastic na naglalaman ng umano’y hindi pa natukoy na uri ng iligal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang nasa P5.3 milyon ang boluntaryong isinuko ng isang mangingisda na nakadiskubre nitong Miyerkules, November 18, 2026, sa baybaying dagat ng Sta.Cruz, Zambales.

Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col Dexter Versola kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, nakita umano ng mangingisda habang nasa laot ang isang malaking bulto na nakabalot sa plastic na palutang-lutang sa karagatan.

Nang kunin ng mangingisda ay nakita nito ang balot na may Chinese characters at nang buksan ay tumambad ang puting laman nito.

Nang makadaong ay agad itong nagtungo sa Sta.Cruz Municipal Police Station para boluntaryong isuko ang nadiskubreng kontrabando na palutang-lutang sa karagatan.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang humigit-kumulang isang kilo ng hindi pa natukoy na uri ng hinihinilang iligal na droga.

Nagsasagawa ng pagpapatrolya sa karagatan at follow-up operation ang mga awtoridad kaugnay sa natagpuang iligal na droga. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here