Home HOME BANNER STORY Remulla pinatutsadahan ni Trillanes sa ‘di paghuli kay Bato, ‘bawas-bawasan kaka-presscon’

Remulla pinatutsadahan ni Trillanes sa ‘di paghuli kay Bato, ‘bawas-bawasan kaka-presscon’

86
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nagpatutsada si dating Senador Antonio Trillanes IV laban kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa hindi pa rin pagkakaaresto ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kabila ng inilabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

“Nung may mga ganoong ugong-ugong, nagmamalaki siya na may 10,000 pulis na nagbabantay daw,” sinabi ni Trillanes.

Aniya, nagdududa siya kung sino ang kinakampihan ni Remulla sa sitwasyong mayroon nang warrant ngunit ayaw pa rin itong isilbi kay Dela Rosa.

“Ngayon na mayroon nang warrant at lumabas si Bato, sinasabi naman na hindi raw puwedeng i-enforce ang warrant na iyon. Kanino ba talaga kakampi ang taong ito?” ani Trillanes.

Nauna nang iginiit ni Remulla na dapat munang idaan sa Interpol o local court order ang arrest warrant bago tuluyang isilbi kay Dela Rosa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here