Home NATIONWIDE 46 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

46 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

57
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 46 na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger” level na heat index sa Miyerkules, Mayo 13, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at halumigmig. Itinuturing na nasa “danger” category ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C.

Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ang matinding init ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng humantong sa heat stroke.

Batay sa 5 p.m. forecast ng Pagasa nitong Martes, Mayo 12, kabilang sa mga lugar na makapagtatala ng danger-level heat index ang Tuguegarao City, Cagayan at Iba, Zambales na parehong may 44°C; ISU Echague, Isabela, TAU Camiling, Tarlac, at Butuan City, Agusan del Norte na may 45°C; gayundin ang Sangley Point sa Cavite City, Cavite, Ambulong sa Tanauan, Batangas, Alabat, Quezon, Dumangas, Iloilo, at Panglao International Airport sa Bohol na inaasahang aabot sa 44°C.

Kabilang din sa mga maaapektuhang lugar ang Naia sa Pasay City, Dagupan City sa Pangasinan, DMMMSU Bacnotan sa La Union, Clark Airport sa Pampanga, Legazpi City sa Albay, Roxas City sa Capiz, Mactan International Airport sa Cebu, Davao City, at ilang bahagi ng Palawan, Samar, Leyte, at Surigao na makapagtatala ng heat index na nasa 42°C hanggang 43°C.

Nauna nang pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat laban sa matinding init. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here