Home NATIONWIDE 3 lugar sa Metro Manila, 2 sa Cavite mawawalan ng tubig sa...

3 lugar sa Metro Manila, 2 sa Cavite mawawalan ng tubig sa Mayo 14-17

56
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Maynilad Water Services na limang lugar, kabilang ang tatlong lungsod sa Metro Manila at dalawang lungsod sa Cavite, ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig mula Mayo 14 hanggang Mayo 17.

Sinabi ng Maynilad na ang mga lugar na maaapektuhan ng pagkawala ng suplay ng tubig ay ang mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, at Parañaque sa Metro Manila, habang ang mga lungsod ng Bacoor at Imus naman ay sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Maynilad, ang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lungsod ay bunsod ng pagsasagawa ng maintenance activities sa Putatan Water Treatment Plants 1 at 2 sa Barangay Putatan, Muntinlupa City, upang mapanatili ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa West Zone sa panahon ng tagtuyot.

Kabilang din sa mga isasagawang aktibidad ang desilting ng forebay sa intake area ng planta gayundin ang iba pang essential maintenance sa mga treatment facilities.

Kasabay nito, idinagdag ng Maynilad na magde-deploy sila ng mga mobile water tanker at maglalagay rin ng stationary water tanks sa mahahalagang lugar sa mga nabanggit na lungsod.
(James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here