Home METRO Bangkay ng lalaki na nakaposas, umalingasaw sa septic tank

Bangkay ng lalaki na nakaposas, umalingasaw sa septic tank

67
0

DAVAO – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakatuklas sa bangkay ng isang lalaki sa loob ng septic tank sa Matina Gravahan, Matina Crossing, Davao City, na pinaniniwalaang patay na nang humigit-kumulang apat na araw.

Sinabi ng mga imbestigador na posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar bago itinapon ang kanyang bangkay sa septic tank batay sa paunang imbestigasyon.

Nakita ang biktima na nakasuot ng jersey at shorts nang matagpuan.

Ayon pa sa mga awtoridad, nakaposas ang mga kamay ng lalaki habang nakatali naman ng lubid ang kanyang mga paa, na posibleng indikasyon ng foul play.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang biktima at matukoy ang mga salarin at ang motibo sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here