Home NATIONWIDE Parak na swak sa drug watchlist, nasakote sa Pampanga bust

Parak na swak sa drug watchlist, nasakote sa Pampanga bust

60
0

PAMPANGA – Isang 28-anyos na pulis na kabilang sa drug watchlist ang naaresto sa buy-bust operation sa San Fernando City, Pampanga nitong Martes, Mayo 12, 2026, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO-3).

Ayon sa ulat, inaresto ang suspek bandang alas-11:49 ng umaga sa Purok 5, Barangay San Jose sa isinagawang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) katuwang ang iba pang police units at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3.

Nakumpiska sa operasyon ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P714,000.

Dinala ang naarestong pulis sa tanggapan ng PDEU para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PRO-3 Regional Director Brig. Gen. Jess B. Mendez, ipinapakita ng operasyon ang mahigpit na pagpapatupad ng disiplina sa loob ng hanay ng pulisya.

“The arrest of a police officer included in the drug watchlist sends a clear message that no one is above the law. Regardless of rank or position, those who violate the law will be held accountable,” ani Mendez. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here