Home NATIONWIDE Malakanyang tiwalang ‘di maaapektuhan ng palit-liderato natalakay sa LEDAC meeting

Malakanyang tiwalang ‘di maaapektuhan ng palit-liderato natalakay sa LEDAC meeting

39
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na walang magiging pagbabago sa magiging pagtrato sa mga priority bills na huling natalakay sa LEDAC Meeting nuong nakaraang Pebrero.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, wala marahil na dapat ipagbago sa mga nauna ng napag- usapang prayoridad na panukalang batas dahil lamang sa nangyaring pagbabago sa Senate leadership.

Ito aniya ay para sa taumbayan at kung magiging mabagal ang trabaho sa mga priority measures ng administrasyon ay hindi ito makabubuti sa mamamayan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na isa ang UPLIFT Bill sa itinuturing na priority measures ng administrasyon at inaasahang makapagpapalakas sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa economic recovery.

Idagdag pa ani Castro ang social protection, at pagtulong sa mga vulnerable sectors. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here