Home HOME BANNER STORY Subpoena kay Sen. Bato bilang “courtesy”, binawi ng CIDG

Subpoena kay Sen. Bato bilang “courtesy”, binawi ng CIDG

48
0
Kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na binawi nito ang subpoena laban kay Senador Ronald dela Rosa bilang “institutional courtesy,” ayon kay Police BGen. Randulf Tuaño.

Si Dela Rosa ay kasalukuyang nasa ilalim ng proteksyon ng Senado at may hiwalay na arrest warrant mula sa International Criminal Court kaugnay ng alegasyon ng crimes against humanity sa war on drugs.

Ayon sa ulat, bahagi sana ng imbestigasyon ng CIDG ang subpoena tungkol sa umano’y extrajudicial killings sa Davao City at Davao Region noong panahon na si Dela Rosa ay police director pa roon at kalaunan ay naging hepe ng Philippine National Police.

Nilinaw ng PNP na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kahit binawi ang subpoena.

Si Dela Rosa ay hindi na umano nagpapakita sa Senado mula noong nakaraang Nobyembre matapos kumalat ang balita tungkol sa posibleng ICC warrant laban sa kanya, na kalaunan ay kinumpirma ng ICC. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here