Home NATIONWIDE Dizon makikipagkita sa transport groups sa nilulutong transport strike

Dizon makikipagkita sa transport groups sa nilulutong transport strike

1
0

MANILA, Philippines – Makikipagkita si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga transport group sa susunod na linggo para pag-usapan ang mga hinaing bago ang ikinakasang dalawang araw na tigil-pasada.

“I will talk to the transport groups next week,” sinabi ni Dizon.

Nang tanungin kung ano ang posibleng agenda, sinabi ni Dizon na sasakupin ng miting ang lahat ng maaaring mapag-usapan na mga hinaing ng mga grupo.

Aniya, hindi rin siya tutol sa planong peotesta at sinabing karapatan ito ng mga grupo.

“The transport strike is okay. For me, it’s up to them. You have the right to do everything,” ani Dizon.

Matatandaan na inanunsyo ng transport group na Manibela ang dalawang araw na tigil-pasada bukas, Nobyembre 23 at 24 na sasabayan ng kilos-protesta sa labas ng LTO Central Office along East Avenue sa Quezon City.

Tinututulan kasi ng grupo ang posibleng pag-alis kay LTO Assistant Secretary Markuz Lacanilao, na epektibo umano sa mga reporma at pagpapabuti sa serbisyo ng ahensya.

Sa media advisory, kinwestyon ng Manibela ang dahilan sa likod ng iniulat na posibleng pagpalit kay Lacanilao at sinabing nagsisimula pa lamang ang ahensya sa pagpapatupad ng mga reporma sa mga tauhan nito at bumubuti ang paghahatid ng mga serbisyo.

“It is only now that the LTO has started getting its act together, with ongoing reforms among its personnel and efforts to speed up services for the public,” ayon sa grupo.

“Do we not want continued change and reforms in government agencies?” dagdag pa.

Umapela ang Manibela kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag alisin o i-reassign si Lacanilao.

“Only a few officials in your administration who are effective in their jobs remain, and now another one is about to be removed,” ayon sa grupo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here