MANILA, Philippines – Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na nanatili ang kanilang posisyon kaugnay ng legalidad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay Senator Bato Dela Rosa.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez alinsunod sa Republic Act No 9851 may dalawang paraan upang maipasa ang isang akusado sa international court kabilang ang surrender kung saan direktang isinusuko ang akusado at extradition na isang pormal na proseso ng paghiling ng ibang bansa sa hurisdiksyon.
Binigyang diin ng DOJ na sasagutin nila ang ilan pang tanong kaugnay ng isyu sa tamang panahon.
Una nang sinabi ng ahensya na mas makabubuting kontakin muna ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa nakabinbing petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng warrant of arrest na inilabas ng ICC bago magbigay ng dagdag na pahayag ukol dito.
Nauna na ring sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Atty. Melvin Matibag na kokonsulta sila sa DOJ kaugnay sa implementasyon o pagsisilbi ng ICC warrant sa taong ipinaaresto. Jocelyn Tabangcura-Domenden