Home NATIONWIDE Pagkumpuni sa Gandara Bridge pinatatapos ng DPWH hanggang Abril 2027

Pagkumpuni sa Gandara Bridge pinatatapos ng DPWH hanggang Abril 2027

1
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni Public Works Secretary Giovanni Lopez ang contractor ng Gandara Bridge Parallel Project sa Gandara, Samar laban sa anumang pagkaantala, kasabay ng pag-utos dito na tapusin ang proyekto bago ang Abril 2027 na deadline.

Ang direktiba ay inisyu ni Lopez kasabay ng pag-inspeksyon nito sa proyekto sa Gandara diversion road nitong Biyernes, Nobyembre 20, o tatlong araw matapos na bumagsak ang dalawang concrete girders habang inilalagay ng mga manggagawa nito.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente na naganap 7:30 ng umaga noong Nobyembre 17.

“The contractor has committed to maintaining the original timeline, which is 2027. We will not change that. If they need to work 24 hours a day, seven days a week, then they should do so,” sinabi ni Lopez.

Nagbabala din siya na hindi palalampasin ng ahensya kapag maulit ang insidente at iginiit na maswerte na lamang at walang namatay sa naturang aksidente.

“I do not want this incident to happen again. Fortunately, no workers were injured or killed. If something like this happens again, whether accidental or intentional, the consequences for those involved will be very serious,” aniya.

Batay sa project schedule, ang konstruksyon ay nagsimula noong Disyembre 17, 2024 at nakatakdang makumpleto sa Abril 2027.

Nilinaw naman ni Lopez na ang proyekto ay ipatutupad sa dalawang phase, at ang pinagsanib na gastos nito ay mahigit P242 milyon, salungat sa ulat na umabot ang gastos sa P512 milyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here