MANILA, Philippines – Nakabalik na sa Pilipinas si Agnes Callamard, dating United Nations special rapporteur na pinagbawalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa bansa upang mapigilan itong imbestigahan ang drug war killings.
Aniya, ang kanyang pagbabalik sa bansa ay para paigtingin ang panawagan ng hustisya, matapos makita na natatakot pa rin ang mga biktima at “too little has changed.”
Pinangunahan ni Callamard, ngayon ay secretary-general ng Amnesty International, ang paglulunsad ng “Walang Pahimakas” (No Farewell), anthology ng mga tula sa drug war.
Ito ang kanyang unang public appearance matapos alisin ng Bureau of Immigration (BI) ang eight-year ban dito sa pagpasok sa bansa.
“So far too little has changed. The only thing really that has changed… well, there are a few things… the fact that the Duterte trial is happening, but it’s in The Hague,” sinabi ni Callamard.
“What I am hearing from the family is that they still live in fear. They live in fear because they believe that those who were enabled and empowered by (Duterte) are still around and are still able to harm them,” dagdag pa. RNT/JGC