Home TOP STORIES Tulong ng China, ‘di kailangan sa giyera kontra Iran – Trump

Tulong ng China, ‘di kailangan sa giyera kontra Iran – Trump

65
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump na hindi niya kailangan ang tulong ni Chinese President Xi Jinping upang tapusin ang giyera laban sa Iran.

Ayon kay Trump, mananalo umano ang Amerika “peacefully or otherwise” habang nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East at nananatiling limitado ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, na dinadaanan ng malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo.

Patuloy pa rin ang hindi pagkakasundo ng US at Iran mahigit isang buwan matapos ang ceasefire. Nais ng US na itigil ng Iran ang nuclear program nito at alisin ang kontrol sa Strait of Hormuz.

Samantala, hinihiling naman ng Iran ang kabayaran sa pinsala ng digmaan, pag-alis ng blockade ng US, at pagtatapos ng labanan sa iba pang lugar tulad ng Lebanon.

Dahil sa tensyon, tumaas sa mahigit $107 kada bariles ang presyo ng langis habang umabot na umano sa $29 bilyon ang gastos ng US sa giyera.

Ayon din sa survey ng Reuters/Ipsos, marami sa mga Amerikano ang hindi kumbinsido sa dahilan ng pagpasok ng US sa digmaan laban sa Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here