Home NATIONWIDE Police vloggers pinaalalahanang manatiling neutral sa isyu ng ICC arrest warrant vs...

Police vloggers pinaalalahanang manatiling neutral sa isyu ng ICC arrest warrant vs Sen. Bato

67
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Philippine National Police ang mga pulis na vloggers na manatiling propesyonal at politically neutral kaugnay ng isyu sa arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., may kaakibat na responsibilidad ang freedom of expression at hindi dapat masira ang tiwala ng publiko sa pulisya dahil sa social media activities ng mga opisyal.

Binigyang-diin din niya na ipinagbabawal ng internal rules ng PNP ang pakikilahok ng mga pulis sa partisan political activities.

Noong Lunes, kinumpirma ng ICC na naglabas ito ng warrant of arrest laban kay dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyon ni Rodrigo Duterte.

Samantala, binanggit din ng PNP ang kaso ni dating patrolman at vlogger na si Francis Steve Fontillas, na sinibak sa serbisyo matapos umanong magbanta laban sa ICC at Interpol sa social media matapos maaresto si Duterte noong 2025. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here