Home HOME BANNER STORY Pagkakatalaga kay Jed Mabilog bilang DILG Usec, kinumpirma ng Malakanyang

Pagkakatalaga kay Jed Mabilog bilang DILG Usec, kinumpirma ng Malakanyang

70
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa katunayan, pormal na nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si Mabilog sa harap ni DILG Sec. Jonvic Remulla, alas-9:30 ng umaga, araw ng Miyerkules, Mayo 13.

“He took his oath with me at 9:30 am,” ayon sa Kalihim.

Matatandaang, taong 2017 nang sibakin ng Ombudsman sa puwesto si Mabilog dahil sa mga natuklasang “serious dishonesty” na may kaugnayan sa ilegal na pagkakamit ng kayamanan.

Kasama rin siya sa listahan ng mga di umano’y “narco politician” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumalik siya sa Pilipinas taong 2024 matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay at kanyang pamilya. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here