MANILA, Philippines – Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon grid nitong madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa NGCP, tinanggal ang alerto bandang 2:03 a.m. noong Mayo 14, 2026. Umabot sa 11,982 megawatts ang available capacity habang 11,194 MW naman ang peak demand.
Matatandaang isinailalim sa Red at Yellow Alert ang Luzon grid noong Miyerkules ng hapon hanggang gabi dahil sa forced outage ng ilang power plants na nakaapekto sa suplay ng kuryente.
Ang yellow alert ay inilalabas kapag bumababa na ang reserve power ng grid. Bagama’t sapat pa ang suplay para matugunan ang demand, hindi na nito naaabot ang kinakailangang safety margin, kaya tumataas ang posibilidad ng rotational power interruptions. Dave Baluyot