Home NATIONWIDE Sen. Bato nakisakay kay SP Alan, ‘di kay Sen Pia sa pagpasok...

Sen. Bato nakisakay kay SP Alan, ‘di kay Sen Pia sa pagpasok sa Senado

98
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules na ginamit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang sasakyan para makapasok sa Senado sa isang sorpresang pagdalo noong unang bahagi ng linggong ito, na naglinaw sa kalituhan kaugnay ng ibang senador.

Ginawa ni Cayetano ang paglilinaw sa sesyon ng Senado matapos pasinungalingan ni Sen. Pia Cayetano ang paratang na ginamit ang isa sa kanyang mga sasakyan para tulungan si Dela Rosa na makapasok sa gusali.

Nagsimula ang isyu matapos lumabas ang video na ipinakita ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nagbigay ng impresyon na sangkot ang sasakyan ni Pia Cayetano.

Sa pagbubukas ng sesyon, mariing itinanggi ni Pia Cayetano ang paratang at sinabing wala siyang alam sa pagdating ni Dela Rosa at wala siyang naging papel sa kanyang pagpasok sa Senado.

“The information was publicly conveyed in a manner that created the impression that I was directly involved in facilitating Senator Dela Rosa’s entry into the Senate premises,” ani Pia Cayetano.

“The statement is false, Senator Dela Rosa did not ride in my vehicle nor did I have anything to do with facilitating his presence in the Senate, ni hindi ko nga alam na darating siya,” dagdag niya.

Upang tuldukan ang usapin, nilinaw ni Senate President Cayetano: “Sa akin siya nakasakay, and I did not tell my sister and I did not tell many members of the majority that he will attend. Ang sinabi ko lang, please be there.”

Humingi naman ng paumanhin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay Pia Cayetano at sinabing umaasa lamang siya sa impormasyong mula sa isang source.

“If that was a mistake, I sincerely apologize,” ani Lacson.

“I made that public statement because I thought it was just a — not a serious matter. Maski kanino pa siya nakasakay na sasakyan lalo na from the majority, sa tingin ko wala namang problema, walang issue. Iniisip ko, okay lang ma-share ang information,” dagdag pa niya.

Matapos ang palitan ng pahayag, nagpatuloy ang sesyon ng Senado sa iba pang usapin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here