MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Dalupiri Island sa lalawigan ng Cagayan nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang tectonic earthquake bandang 6:01 a.m. at ang epicenter ay nasa 7 kilometro timog-silangan ng Dalupiri Island, na may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang pagyanig sa Intensity 1 sa ilang bahagi ng Ilocos Norte at Ilocos Sur kabilang ang Batac City, Bacarra, Vigan City, at Narvacan.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga residente sa kalapit na lugar na mag-ingat sa posibleng aftershocks at manatiling alerto. RNT