Home NATIONWIDE Liderato ng Senado pinagpapaliwanag sa pag-eskapo ni Sen. Bato

Liderato ng Senado pinagpapaliwanag sa pag-eskapo ni Sen. Bato

105
0

MANILA, Philippines – Hindi na makita ngayon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at walang sagot o tugon ang kanyang tanggapan hinggil sa pagkawala ng kanilang principal ilang oras matapos ang putukan sa loob ng gusali.

Base sa impormasyon na nakalap, pumuslit si Dela Rosa dakong 2:30 ng umaga.

Sa pakikipag-usap ni Senate President Alan Peter Cayetano sa media nitong Miyerkoles ng gabi kasama ang majority senators at Secretary of Interior and Local Government chief Jonvik Remulla, sinabi niya na ligtas si Sen. Bato at kasama ni Sen. Robin Padilla sa loob ng kwarto sa Senado.

TINGNAN: Huling nakita si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pintuan ng Senators’ Executive Lounge habang may sesyon nitong Miyerkoles, ilang oras bago magkaroon ng putukan sa loob ng gusali. Kuha ni Ernie Reyes

Bunsod ng umanoy pag-alis ni Sen. Bato sa Senado, mahigpit na pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang liderato ng Senado hinggil sa ugong na nakatakas ang mambabatas.

Naunang may nakaabang na warrant of arrest si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity bilang chief enforcer ng Oplan Tokhang sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nakakulong ngayon si Pangulong Duterte sa katulad na kaso sa international Criminal Court (ICC) sa The Hauge sa katulad na kasong crimes against humanity.

Kaugnay nito, nakatakdang magbigay ng pahayag si Senate President Alan Peter Cayetano hinggil sa pag-alis ni Dela Rosa pagkatapos ng putukan.

“Mabigat ang ugong sa mga balita na nakatakas si Sen. Bato Dela Rosa. Mariing nananwagan ako sa liderato ng Senado kasama ang Sergeatn-At-Arms na magpaliwanag sa publiko kung totoo o hindi ang lumalabas na balita,” ayon kay Gatchalian.

Hanggang isinusulat ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon sa Senado kung totoong nakatakas si Dela Rosa pero nauna nang kinumpirma ng Malakanyang ang insidente.

Mayroon din ugong na kasama ni Sen. Dela Rosa si Senator Robinhood Padilla sa paglabas ng Senado na patuloy pang kinukumpirma sa ngayon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here