Home NATIONWIDE Suspek sa Senate shooting, arestado

Suspek sa Senate shooting, arestado

53
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng pulisya nitong Huwebes na may isang taong dinakip kaugnay ng pamamaril sa loob ng Senado noong nakaraang gabi, habang nasa loob ng gusali ang isang mambabatas na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Philippine police spokesperson Brigadier-General Randulf Tuano, ang suspek ay inaresto sa mismong lugar ng insidente.

“He (suspect) was arrested at the area of the incident, at the second floor of the Senate building,” ani Tuano sa mga mamamahayag.

Wala pang malinaw kung ilan ang posibleng sangkot sa insidente, at patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, narekober mula sa suspek ang live ammunition at isasailalim din siya sa pagsusuri para sa gunshot residue.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Juanito Victor Remulla na nagpaputok umano ng “warning shots” ang Senate security laban sa mga hindi pa natutukoy na armadong indibidwal na umakyat sa hagdan ng Senado.

Ayon pa sa kanya, nagpaputok din umano ang mga suspek sa hangin bago sila umalis sa lugar.

Habang nangyayari ang kaguluhan, nagbarricade umano sa loob ng kanilang opisina ang ilang senador, kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may kinakaharap na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Si Dela Rosa, dating hepe ng PNP, ay target ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa war on drugs noong administrasyong Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here