TINGNAN: Huling nakita si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa sa pintuan ng Senators' Executive Lounge habang may sesyon nitong Miyerkoles, ilang oras bago magkaroon ng putukan sa loob ng gusali. Kuha ni Ernie Reyes
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na nananatili pa rin sa Pilipinas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa gitna ng kumakalat na balitang umalis na siya sa Senado at umano’y nakita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, walang tala na lumabas ng bansa ang senador.
“No recent record of travel po,” ani Sandoval nang tanungin kung nakalabas na ng Pilipinas si Dela Rosa.
Gayunman, sinabi rin ng BI na hindi nila matitiyak ang mga domestic travel.
“Hindi ko po masasagot ang domestic travel,” dagdag niya.
Kumalat sa social media ang mga ulat na umalis sa Senado at nakita ang senador sa NAIA Terminal 3, ngunit wala pang kumpirmasyon ang mga ito.
Si Dela Rosa ay kabilang sa mga pinangalanan ng International Criminal Court (ICC) bilang co-perpetrator ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyon. RNT/MND