Home NATIONWIDE DSWD namahagi ng 126K food packs sa epekto ng El Niño

DSWD namahagi ng 126K food packs sa epekto ng El Niño

1
0

MANILA, Philippines – Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang 126,472 family food packs sa mga sakahan sa buong bansa na apektado ng El Nino.

Ayon sa DSWD, hanggang alas-6 ng umaga ng Sabado, Nobyembre 21, ay nakapamahagi na ng FFPs sa mga sumusunod na rehiyon:

Cordillera Administrative Region (CAR) – 4,500
Ilocos Region – 16,007
Cagayan Valley – 1,980
CALABARZON – 6,389
MIMAROPA – 6,371
Bicol Region – 62,757
Western Visayas – 4,559
Central Visayas – 5,000
Eastern Visayas – 18,564
SOCCSKSARGEN – 345

Nakapagbigay din ito ng emergency cash transfer sa 103,284 na mga magsasaka sa Cagayan Valley na may 94,883 magsasaka (P824,829,000); at Bicol Region sa 8,401 magsasaka (P88,210,500).

Samantala, naasistihan naman ang nasa 250 magsasaka mula sa cash-for-work (CFW) sa MIMAROPA, na nagkakahalaga ng P2,275,000. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here