Home NATIONWIDE Ombudsman Remulla kay Bato: Pagtakas indikasyong guilty

Ombudsman Remulla kay Bato: Pagtakas indikasyong guilty

55
0

MANILA, Philippines – Sinita ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes, Mayo 15, sa paggamit sa Senado para takasan ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya at sinabing ang pagtakas ay indikasyong guilty ito.

Ito ang tugon ni Remulla kaugnay sa pagpapasalamat ni Dela Rosa sa kanya ng umano’y pag-abiso sa senador ilang buwan na ang nakalilipas kaugnay sa warrant ng ICC sa umano’y crimes against humanity dahil sa drug war deaths noong siya ay hepe ng Philippine National Police sa panahon ng Duterte administration.

Si Dela Rosa ay umalis sa Senado madaling araw ng Huwebes kasama si Senador Robin Padilla, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano.

“Nagtataka ako sa kanya, naging chief PNP siya, tumatakbo siya sa batas. Humarap siya. Bakit niya ginugulo ‘yung mundo?” ani Remulla.

“Managot ka sa iyong mga gawain. Sagutin mo. Kung wala ka talagang kasalanan, harapin mo. Anong klaseng tao ‘yan? Ganyan ba dapat senador natin? Tumatakbo sa batas?,” dagdag ni Remulla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here