Home NATIONWIDE Special non-working day sa 5 lugar sa bansa idineklara ng Malakanyang

Special non-working day sa 5 lugar sa bansa idineklara ng Malakanyang

52
0

MANILA, Philippines – IDINEKLARA ng Malakanyag ang special non-working days sa limang na lokalidad para ipagdiwang ang kanilang founding anniversaries, kapistahan at cultural events.

Ipinalabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1243, nagdedeklara sa May 18, 2026, bilang special non-working day sa Naga, Zamboanga Sibugay, at Proclamation No. 1244 , nagdedeklara sa May 15 bilang special non-working day sa Lazi, Siquijor, para sa pagdiriwang ng taunang Kapistahan at cultural event.

Gayundin, ipinalabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1245, nagdedeklara sa June 24 bilang special non-working day sa Jimenez, Misamis Occidental, para sa pagdiriwang ng Kapistahan. Kahalintulad ng ipinalabas na Proclamation No. 1246, nagtatakda sa June 18 bilang special non-working day sa Patnanungan, Quezon, para ipagdiwang ang founding anniversary nito.

Sa pamamagitan ng  Proclamation No. 1247, idineklra ang May 16, 2026, bilang special non-working day sa munisipalidad ng Ilog sa Negros Occidential para ipagdiwang ang founding anniversary nito.

Sa kabilang dako, ang mga Proclamations No. 1243, 1244, 1245, at 1246 ay tinintahan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Manila, Mayo 12, 2026, habang ang 1247 ay nilagdaan naman noong May 14, 2026.

Sa pagpapalabas ng mga proklamasyon, sinabi ng Malakanyang na angkop at wasto para sa mga mamamayan ng mga nasa lokalidad na bigyan ng ‘full opportunity’ para magpartisipa sa okasyon at magsaya na i-promote ang “cultural heritage, pangalagaan ang community identity at pagkakaisa at maging i-obserba ang kanilang founding anniversaries. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here