Home METRO P2.1M shabu nasamsam sa bahay ng adik

P2.1M shabu nasamsam sa bahay ng adik

61
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan — Halos umaabot sa mahigit ₱2.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa bahay ng pinaniwalaang adik sa droga sa isinagawang search warrant operation ng pulisya sa bahay nito sa Brgy. Centro 5, Tuguegarao City, Cagayan, nitong Huwebes, Mayo 14.

Kinilala ang suspek na si “Jayjay,” 42 anyos, may asawa, pribadong empleyado, at residente ng nasabing lungsod.

Sa direktiba ni PBGen. Mariano Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 02 (PR02) bilang pagtugon ng Tuguegarao City Component Police Station na ipinatupad ng City Drug Enforcement Unit ang search warrant bandang 8:58 kagabi sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA dahil sa paglabag umano sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasamsam ang tinatayang 312 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang Standard Drug Price na ₱2,121,600.

Kabilang sa mga nakumpiska ang dalawang plastic bag na naglalaman ng tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000, at 12 sachet na may humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱81,600.

Kabilang ang ilang drug paraphernalia tulad ng improvised glass tooter, digital weighing scale, sling bag, vape carton boxes, at iba pang gamit na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya habang inihahanda ang kasong isasampa sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here