Home NATIONWIDE Mid-year bonus sa mahigit 1M tauhan ipinalabas ng DepEd bago SY 2026-2027

Mid-year bonus sa mahigit 1M tauhan ipinalabas ng DepEd bago SY 2026-2027

231
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Education (DepEd) na nagsimula na ang pagpapalabas ng mid-year bonuses para sa mahigit na isang milyon na teaching at non-teaching personnel.

Layon nito na makapagbigay ng karagdagang financial support ilang linggo bago ang pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Ang payout, nagsimula ngayong araw ng Biyernes, May 15, saklaw ang 900,000 public school teachers at mahigit sa 100,000 non-teaching staff sa buong bansa.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang rollout ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at naglalayong kilalanin ang papel ng mga guro at school personnel sa pagpapanatili ng ‘learning recovery’ at pagpapatupad ng reporma.

Ang bonus ay katumbas ng isang buwan na basic salary ng empleyado, alinsunod sa Department of Budget and Management Budget Circular No. 2017-2, pangasiwaan ang compensation benefits para sa mga government workers.

Sinabi ng DepEd na “both teaching and non-teaching personnel, including those in regular, casual, and contractual positions — may qualify, provided they have rendered at least four months of service from July 1 of the previous year to May 15 of the current year, remain in government service as of the release date, and have received at least a satisfactory performance rating.”

Sa kabilang dako, sinabi ni Angara na matatanggap ang benepisyo habang naghahanda ang mga eskuwelahan para sa incoming academic year, kasama ang pag-roll out ng mga programa ang pagtuon sa karunungang bumasa’t sumulat, pagbibilang at digital learning.

“Kapag masigla at suportado ang ating mga guro at kawani, mas nagiging handa rin ang ating mga paaralan para sa pagkatuto ng bawat batang Pilipino,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.

Ang mid-year bonus ay bumubuo sa bahagi ng standard compensation package ng gobyerno para sa public sector employees at karaniwan na ipinalalabas ng buwan ng Mayo, bago pa ang pagbubukas ng klase. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here