Home NATIONWIDE Matibag, et al, pinasususpendi din ni Alan sa Ombudsman: ‘Baka may maling...

Matibag, et al, pinasususpendi din ni Alan sa Ombudsman: ‘Baka may maling ulat kay BBM’

60
0

MANILA, Philippines – Nananawagan si Senate President Alan Peter Cayetano sa Office of the Ombudsman nitong Biyernes na isailalim din sa preventive suspension si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag.

Sa pahayag, sinabi ni Cayetano na maaaring may maling ulat si Matibag kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa armadong Insidente sa Senado noong Mayo 13.

Reaksiyon ito ni Cayetano matapos ipag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang anim na buwang preventive suspension kay Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay ng komprontasyon sa pagitan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at ilang ahente ng NBI sa gitna ng tensyon na kinasangkutan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa isang Facebook Live nitong May 15, sinabi ni Cayetano na tinatanggap niya ang pahayag ng Pangulo na inatasan nito ang mga awtoridad na umatras, ngunit nagdududa siya kung tama ang impormasyong nakararating sa Malacañang.

“I assume that… the President is speaking the truth. Ang problema, is he being told the truth?” aniya.

Nauna nang sinabi ni Marcos sa isang video message nitong gabi ng Mayo 13 na bukod sa mga NBI personnel na umalis sa Senado sa kanyang utos, walang ibang pumasok na militar o NBI units sa lugar.

Giit naman ni Aplasca na may mga ahente ng NBI sa loob ng gusali at napilitan siyang magpaputok ng warning shot matapos umanong tumangging ibaba ang kanilang sandata.

“Let me just appeal to the Ombudsman, suspend also the NBI Director because he is more of a suspect than General Mao (Aplasca) dito [sa nangyari],” wika ni Cayetano.

Binigyang diin din niya na dapat maging patas ang anumang imbestigasyon hindi lamang sa magiging resulta kundi pati sa proseso.

“Remember po, in an investigation it’s not only the result, it’s the process. There will be no independent investigation hanggang hindi sila (NBI) sinususpend tapos ang isu-suspend ay ang sa Senate [lang],” wika niya.

Ayon kay Cayetano, buong nakipagtulungan ang Senado sa imbestigasyon, kabilang ang pagbibigay ng access sa CCTV footage at iba pang hakbang para sa transparency.

“We allowed every single transparency measure, we allowed the investigation,” aniya.

Sa kabila ng kontrobersiya, tiniyak ni Cayetano na nakatuon pa rin ang Senado sa pagtupad ng tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon, kabilang ang inaasahang pagbuo ng impeachment court.

“Hindi po magulo ang Senado, ginugulo po ang Senado. Iba po y’ung magulo, iba po y’ung ginugulo,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here