TINGNAN: Pinangasiwaan ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue, sa pangunguna ng BIR Revenue Region No. 6 – City of Manila at Palawan Regional Director Michael Remir Macatangay at Assistant Regional Director Grace Evelyn Lacerna, ang huling araw ng paghahain ng Annual Income Tax Return (AITR) para sa Taxable Year 2025 sa tanggapan ng BIR sa Intramuros.Bilang suporta sa mga operasyon ng paghahain, ang bagong tatag na Taxpayer Excellence Lounge sa ikalawang palapag ng Building II ay nagbigay ng karagdagang tulong at serbisyo sa mga nagbabayad ng buwis sa buong araw. ERIC OCAPAN